30 delivery riders sabay-sabay na naloko ng isang customer na may 80 orders

Napakalungkot na isipin pero mayroon tayong mga naririnig araw-araw na istorya ng mga delivery riders ukol sa mga kanselado o mga pekeng order ng mga taong simpleng walang magawa sa kani-kanilang mga buhay.

Maka-ilang ulit mang paalalahanan ang mga tao na itigil na ang masamang gawaing ito, tila walang epekto ang mga paalalang ito matapos higit 30 na mga delivery riders ang sabay-sabay na nabiktima ng isang customer.

Ayon sa World of Buzz, mahigit 80 orders ng pagkain ang ginawa ng customer at pina-deliver ang mga ito sa isang address na peke naman pala.

Imahe: Thai World News

Nangyari ang panlolokong ito sa Thailand kung saan ang isa sa mga nabiktimang food delivery rider ang nagbahagi ng kanilang kwento sa social media at agad naman itong pumukaw sa atensyon ng marami.

Ilang minuto lamang raw ang pagitan ng pagdating ng mga delivery riders sa lokasyon at dito na nila napagtanto na nabiktima pala sila ng panloloko. Kahit mayroon namang programang refund ang kompanya nila, hindi pa rin makatarungan ang ginawa ng kung sino man ang customer na iyon na nag-order ng napakarami.

Imahe: Thai World News

Kaya naman, nagpasya ang mga nabiktimang riders na pormal na maghain ng reklamo para maturuan ng leksyon ang sinumang customer na iyon na nambiktima ng napakaraming tao.

Nararapat lamang na mapatawan siya ng parusa dhail malaking perwisyo ang ginawa niya sa mga riders na sumusubok pa ring maghanapbuhay sa kabila ng banta ng pandemya na kinakaharap natin ngayon.

Paalala lamang sa mga customers, sana ay huwag nating tularan ang ginawang ito ng hindi pa rin nakikilalang customer na ito. Alalahanin natin na hindi man maparusahan ng agaran ang customer na ito, may karma pa rin sa huli.