Amo sobrang nag-alala dahil sa lumalaking tiyan ng kanyang pusa kaya dinala ito sa vet para ipa xray at lahat sila tumawa sa lumabas na resulta

Ang mga alaga nating hayop sa bahay ay kadalasan nagiging bahagi na rin ng ating buhay at tinuturing na rin natin silang bahagi na rin ng ating pamilya. Tuwing kakain, mayroon din silang parte sa pagkain o sa iba pa nga ay mas espesyal pa ang hinahain sa kanilang mga alagang hayop.

Kaya naman, hindi rin maiiwasan na minsan ay nag-aalala tayo lalo na kung mayroon tayong makikitang kakaiba sa mga mahal nating alaga.

Kagaya na lamang ng babaeng ito na may-ari ng isang pusa. Ayon sa World of Buzz, masyadong nag-alala ang isang Thai na babae matapos niya mapansing lumalaki ang tiyan ng kanyang mahal na pusa.

Imahe: KANGIRENIEL/Twitter

Kaya naman, minabuti niyang dalhin na sa beterinaryo ang kanyang alaga para matignan ito at malaman niya kung mayroon nga ba itong sakit.

Noong dumating siya doon, agad namang inaasikaso sa clinic ang kanyang alaga. Isinailalim ito sa x-ray para tignan kung mayroon niyang mali sa kanyang tiyan.

Imahe: KANGIRENIEL/Twitter

Ngunit, natawa na lamang ang doktor pati na rin ang may-aring babae ng matapos mapag-alaman na wala naman palang sakit ang mahal niyang pusa. Sa halip, ang paglaki ng tiyan nito ay bunga lamang ng paglaki rin ng kanyang katawan dahil tumataba na ito.

Ibinahagi niya ang kanyang istorya sa Twitter kung saan maraming mga pet owners rin ang naka-relate sa kanya at nagbahagi rin ng kani-kanilang istorya ukol sa pusa nilang akala din nila ay dinapu-an ng kung anong sakit.


Marami naman ang natawa sa experience na ito ng babae at sinabing marahil ay sobrang mahal lamang niya siguro ang kanyang pusa kaya naman masyado siyang nag-alala sa sitwasyon nito.

Gayunpaman, mas mabuti pa rin na agad niyang nadala sa doktor ang kanyang alaga at nakampante na siya sa sitwasyon nito kaysa naman napabayaan lamang at huli na pala ang lahat.