Angkas driver, nagsauli ng wallet na may mahigit PHP20,000 sa artistahing may-ari

Ang pagiging matapat ay isang kaugalian na malungkot mang isipin ay minsan na lamang isinasabuhay ng mga tao sa kasalukuyan. Mas pinipili na ng iba na pairalin ang panlalamang sa kapwa kaysa ang pagiging makatao. Sa kabila niyo, mayroon paring iilan na patuloy na nagpapatunay na likas na mabuti ang isang tao.

Kagaya na lamang ng isang Angkas Driver na si Robert Virtucio, 36-years-old. Nagsauli lng naman siya ng isang wallet na naglalaman ng mahigit PHP 20,000 at iba pang importanteng dokumento. Ayon kay Virtucio, bumabiyahe siya sa kanyang motorsiklo ng kanyang makita ang itim na wallet sa BGC sa Taguig.

Dahil sa kanyang mabuting kalooban, nagpasya sa Virtucio na isauli sa kung sino man ang nagmamay-ari ng wallet. Humingi siya ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo para mahanap ang may-ari ng wallet.

Labis naman ang pasasalamat ni Zhamie Evelito, 31-years-old ng maisauli sa kanya ang akala niya ay tuluyan ng nawala niyang wallet. Ayon kay Evelito, kumain siya kasama ang isang kaibigan at inakala na nailagay niya sa loob ng kanyang bag ang naaturang wallet. Dagdag pa niya, hindi na niya inaasahan na maibabalik pa ang wallet sapagkat may laman itong malaking halaga ng pera.

Ang inaalala niya ay lahat ng kanyang ID ay nasa loob ng naturang wallet at mahihirapan na siyang kumuha ulit ng primary IDs sa mga ahensya ng gobyerno. Mabuti na lamang at si Virtucio ang makapulot at naisauli ang kanyang wallet.

Sa labis na kasiyahan, nagbigay ng pabuya na PHP 5,000 at grocery items si Evelito. Nagbigay din ng pabuya ang programang Raffy Tulfo in Action bilang parangal sa pagiging tapat ni Virtucio.

Sa huli, nagpasalamat din si Virtucio sa mga biyayang kanyang natanggap mula sa programa at kay Evelito.

Naway maraming pang tao ang maging kagaya ni Virtucio ng sa gayon ay maging mas mabuti at mapayapa ang ating komunidad!

Panoorin ang pagkikita nina Evelito at Virtucio sa Raffy Tulfo in action dito: