Asawa ng barbero nakapag ipon ng mahigit 200k pesos galing sa tip ng mister

Madalas, marami sa atin ay nagihirapan sa pagtitip ng kani-kanilang mga kinikitang pera. Kung kasya nga lang naman ang iyong sinusweldo sa araw-araw na gastusin, tiyak na mahirap ngang magtabi ng pera para sa savings.

Pero, ang isang ginang na ito ay pinatunayan na kahit paunti-unti man ang pag-iipon, sa huli ay magbubunga pa rin ito at magiging malaking halaga.

Ayon sa Buzzooks, ang ginang na ito ay ibinahagi ang kaniyang istorya gamit ang Facebook page na CFO PESO SENSE.

Ang imaheng ito ay para sa ilustrasyon lamang

Giit ng ginang, matagal na raw nilang napagkasundu-an ng asawa niyang barbero na mag-ipon para sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Ayon sa kasunduuan, ang mister ang mag-iipon gamit ang kanyang sweldo at ibibigay niya naman lahat ng tip niya mula sa barber shop sa kanyang misis.

Malaki rin ang natatanggap niyang tip bawat araw dahil mayroon na siya mga suking mayayaman, ang iba pa nga dito ay mga artista.

Ang imaheng ito ay para sa ilustrasyon lamang

Minsan pa nga ay umabot sa PHP1,700 ang naibigay ng mister sa kanyang misis sa isang araw lamang. Dahil dito, imbes na gastusin ang pera ay pinili ng misis na ipunin ang bahagi nito, ipinangako niya sa sarili na dapat bawat araw ay mayroon siyang savings na PHP1,000.

Samantala, dahil nga sige kayod rin sa araw-araw si mister, hindi na niya namalayan ang ginagawang pagtitipid ng misis.

Kaya naman, noong nagsimula nga ang banta ng pandemya sa ating bansa, isa sa mga industriyang pinakana-apektuhan ang trabaho ng mister niya. Lalo na at ipinagbabawal ang pakikuhalubilo sa mga tao ng walang social distancing.

Pero, dahil nga mayroong naitabing pera si misis, hindi na nila kailangang problemahin ang gagastusin sa mga susunod na buwan.

Imahe: CFO PESO SENSE/Facebook

Araw-araw ay naghahanda si misis ng mga masasarap na pagkain na siya namang ipinagtaka ng kanyang mister. Kaya naman, tinanong siya nito kung saan siya kumukuha ng pera.

Dito na nga at ipinakita ni misis ang kanyang maliit na pouch kung saan nakatago ang lahat ng perang kanyang naipon. Laking gulat ng mister ng bilangin niya ang laman nito ay umabot sa PHP217,000!

Laking pasasalamat din niya sa kanyang masinop na misis sa ginawa nitong pagtitipid kaya hindi sila magugutom kahit pa man wala muna siyang trabaho at hindi pa sigurado kung kailan siya makakabalik.

Napakagaling nga naman talaga ng naisip ng misis na ito. Karapat-dapat siyang tularan at gawing ehemplo ng marami.