Bahay na gawa sa yero nakakagulat ang ganda at lawak sa loob

Ayon nga sa kasabihan, “don’t judge a book by its cover” ngunit, hindi rin naman maiiwasan ng karamihan sa atin ang magkaroon ng kani-kanilang opinyon base lamang sa pisikal nilang nakikita.

Pero, ang isang bahay na ito ay hindi akakalain ng marami na bongga pala sa loob dahil puro yero lamang ang makikita sa labas nito.

Imahe: Liberian Lifestyle Magazine/Facebook

Sa isang Facebook post ng page na Liberian Lifestyle Magazine, ibinida nila ang kakaibang bahay na ito. Sa unang larawan ay makikita na gawa sa yero hindi lamang ang bubong kundi pati na ang mga dingding ng naturang bahay.

Imahe: Liberian Lifestyle Magazine/Facebook

Ngunit, sa mga sumunod na larawan ay makikita na ang loob ng naturang bahay ay napakaganda pala. Ang dining area nito, kahit maliit man ay kumpleto naman ang gamit at mayroon pa ngang oven na makikita dito.

Imahe: Liberian Lifestyle Magazine/Facebook

Ang sala naman ng bahay ay mayroong sofa na kulay gray na kapareho naman ng kulay ng iba pang appliances sa loob kagaya na lamang ng refrigerator at washing machine.

Imahe: Liberian Lifestyle Magazine/Facebook

Mayroon ring malaking TV sa harap nito at sinoman ang uupo dito sa sala ay siguradong masisiyahan sa pagka-komportable nito.

Imahe: Liberian Lifestyle Magazine/Facebook

Kung bedroom naman ang pag-uusapan, syempre hindi rin basta-basta ang nasa loob ng bahay na ito. Ang kama ay may kulay pink na mga unan at may malaking teddy bear pa sa gitna nito.

Sadyang hindi talaga inaasahan ng marami na ganito kaganda ang loob ng nasabing bahay. Sadya ngang totoo ang kasabihan na “do not judge a book by its cover” at sa halip ay alamin muna ang kalooban ng isang bagay bago pa man makapagsabi ng kung ano pa ukol dito.