Barbie Hsu walang bahid ng pagtanda sa edad na 43

Sino nga ba naman ang makakalimot sa sikat na karakter ni Barbie Hsu na si Dong Shan Cai sa isa sa pinaka-tumatak na asianovela sa mga Pilipino, ang Meteor Garden? Maging ang sikat niyang hairstyle na braided pigtails ay kinagiliwan pa nga ng karamihan.

Pero, kamusta na nga ba si Shan Cai ngayon matapos ang halos 19 na taon makalipas ang Meteor Garden?

Imahe: Facebook

Hindi na lingid sa kaalaman ng marami na sa ngayon ay mayroon ng pamilya si Barbie, nagpakasal siya sa isang Chinese entrepreneur na si Wang Xiaofei noong 2010. Nabiyayaan din ang kanilang pagsasama ng dalawang anak. Isang babae na ipinanganak noong 2014 at lalaki naman noong 2016.

Ngayon, kahit 43 taong gulang na at mayroon pang dalawang anak, mistulang hindi pa rin nagbabago ang itsura ni Shan Cai at parang ka-edad pa rin siya ng kanyang karakter noong 2003 sa Meteor Garden.

Sa isang post na ibinahagi ng Kapamilya Online World Facebook page, makikita na mistulang nagkaka-edad ng paatras si Barbie dahil napakaganda pa rin niya at halos walang bakas na lagpas na sa 40 ang kanyang edad.

Imahe: Kapamilya Online World/Facebook

Dahil nga marami naman talaga ang nakakakilala kay Barbie, humanga ang mga ito sa kanyang youthful pa rin na itsura at ang iba pa nga ay inalala pa ang kanyang itsura noong siya ay gumanap bilang Shan Cai na minahal ng lahat.

Sa kanya namang mga posts sa Instagram, makikita na nagtatrabaho pa rin siya bilang modelo ng mga magazine at mga cosmetics sa Taiwan at China at kung hindi mo nga tatanungin ang kanyang edad ay mapagkakamalan mo lamang siya nasa early 30s o mas mababa pa nga dito.