Bata sa viral video na may sugat sa tiyan at HINDI dinukot ng puting van

Maraming kaso na ng kidnapping gamit ang isa umanong “puting van” na nambibiktima ng mga bata at diumano’y kinukuha ang kanilang internal organs ang naglipana sa social media. Sa kabila nito, walang matibay na ebidensya laban sa kung sino man ang namumuno sa sindikato ng puting van.

Isang bata ngayon ang viral sa social media matapos niyang ilahad na siya ang isa sa mga biktima ng pag-kidnap gamit ang puting van.

Ayon sa video na inupload ng isang netizen, isang bata ang nagsalaysay ng isang pangyayaring kailanman ay hindi niya malilimutan.

Ayon as kanya, isang L300 na puting van ang kumuha sa kanya malapit lamang sa kanilang bahay sa Bulacan. Laman ng van ang anim na tao na ngayon ay pinaniniwala-ang kidnappers.

Tinanong naman ng nag-iinterbyu sa bata kung mayroon ba siyang sakit na nararamdaman sa kanyang katawan, maayos naman daw ang kanyang pakiramdam. Ngunit, ng buksan ang kanyang damit, doon na nakita na mayroon siyang mahabang sugat na para bang dumaan siya sa isang operasyon. Ang malala pa ay hindi maayos ang pagkakatahi sa kanyang sugat at hinala pa ng mga tao roon ay nagkaroon na ito ng impeksyon.

Subalit, pina-bulaanan ngayon ng isa pang netizen na si Abi Bartolome ang mga nauna ng balita na ang bata ay biktima ng puting van syndicate.

Ayon sa post, si JD ay nasa mabuting kalagayan na ngayon at ang sugat sa kanyang tiyan ay resulta ng operasyon matapos niyang magkaroon ng appendicitis at ang isa pang sugat ay mula naman sa operasyon ukol sa kanyang pagdudumi.

Dagdag pa ng bata, sinabi niya lamang na kinuha siya ng puting van para maihatid siya pabalik sa kanilang bahay matapos itong maligaw. Ayon pa sa bata, noong August 2019 pa ang video niyang iyon at sa ngayon ay naghilom na ang kanyang sugat sa tiyan.

Nanawagan naman si Abi na iwasan sana ng mga netizens ang pagpapakalat ng mga news na hindi naman kumpirmado dahil gumagawa lamang ito ng takot sa mga tao.

Posted by Abi Bartolome on Sunday, 1 December 2019