Hindi niya pinansin ng tawagin siyang bobo, matapos ng tatlong taon binalikan niya ito

Ika nga nila, hindi mo mapapasaya o mapapa-sang-ayon sa iyo ang lahat ng tao. Mayroon talagang mga manghuhusga o maninira sa iyo kahit wala ka namang ginagawa sa kanila.

Hindi iba sa ating lahat ang netizen na si Sherwin Lantao Escuton. Pero, ang kanyang sagot sa isang taong nanghusga sa kanya ay tunay nga namang karapat-dapat na tularan!

Imahe: Sherwin Lantao Escuton/Facebook

Sa isang screenshot na ibinahagi niya sa kanyang Facebook account, makikita na may isang taong hindi naman niya kilala ang nag message sa kanya noong 2016.

Ang mensahe ng naturang tao ay “Ang bobo mo”. Kailanman ay hindi sinagot ni Sherwin ng masasama ring salita ang kung sinoman iyong nag-message sa kanya.

Hanggang sa dumating na nga ang 2019, mahigit tatlong taon ang lumipas kung saan magtatapos na si Sherwin sa kolehiyo. Sa kinuha niyang kursong Bachelor of Science in Business Administration ay nagtapos siya bilang Cum Laude!

Bilang reply sa taong nagsabing bobo siya, si-nend ni Sherwin ang kanyang graduation picture kung saan nakasulat ang kurso niya at ang natamo niyang academic excellence na award.

Imahe: Sherwin Lantao Escuton/Facebook

Ayon kay Sherwin ay ito na ang the best na reply niya sa kung sino man ang taong ito na nanira sa kanya. Sa halip, imbes na panghinaan ng loob ay ginawa niyang motibasyon ang paninirang natanggap ng sa gayon ay pagbutihin pa ang pag-aaral hanggang sa maabot niya na nga ang inaasam na tagumpay.

Saludo kami sa iyo, Sherwin at inspirasyon ka sa aming lahat. Ipagpatuloy mo lamang ang iyong pagsisikap sa buhay at tiyak na sa huli ay magiging matagumpay ka rin at maipapamukha sa lahat na kailanman ay hindi naging hadlang ang paninira sa iyo sa pag-abot mo sa iyong pangarap.