Ito ang itsura ng Boracay Island bago pa dumagsa ang mga turista

Isa sa dinadayo ng maraming turista araw-araw ay ang isla ng Boracay. Marami ang namamangha sa white sand beach nito at sa malinaw na tubig dagat. Ngunit sa mga nakalipas na buwan, napuno ng kontrobersya ang Boracay na nag resulta sa pagsasara nito para sa renovation. Sa ngayon, balik operasyon na ang isla kasama ang mas istriktong patakaran para sa kalinisan nito.

Pero, naisip mo ba kung ano nga ba ang itsura ng Boracay Island bago pa ito naging sikat na tourist attraction para sa mga dayuhan?

Photo courtesy of Yhacy Dy

Hindi mo na kailangang mag-isip pa! Heto ang mga litrato ng Boracay island noong Dekada 80.

Photo courtesy of Yhacy Dy

Likas nga talaga ang magandang beach at view sa isla noon pa man gaya ng makikita sa litratong ito.

Gaya ng ibang isla sa Pilipinas, payak rin ang pamumuhay ng mga nakatira sa Boracay. Kagaya na lamang ng lalaking ito na sumasakay sa kalabaw.

Photo courtesy of Yhacy Dy

Photo courtesy of Yhacy Dy

Mayroon pang isang litrato na nagpapakita ng maliliit na barong-barong malapit sa dagat. Ito siguro ang mga structure sa lugar bago pa man nagkaroon ng maraming building rito.

Ang isa pang litrato ay nagpapakita ng mga taong sakay ng isang bangka. Ito ang transportasyon ng mga Boracay natives bago pa man nagkaroon ng mga de motor na bangka na sa ngayon ay makikita na kahit saang bahagi ng isla.

Photo courtesy of Yhacy Dy

Ang mga litratong ito ay nagpapakita lamang na ang Pilipinas ay sadyang biniyayaan ng likas na yaman. Bilang mga Pilipino, matuto tayong pangalagaan ito ng sa gayon ay manatili at maipamana pa natin sa mga susunod na henerasyon.