Jeep na mas malinis pa sa bahay umani ng papuri sa netizens

Ang jeepney ay pangkaraniwang sasakyang pampubliko na makikita saan mang sulok ng Pilipinas. Isa man itong karaniwan na sasakyan sa atin, nagmistulang “trademark” naman natin ito dahil ang ganitong uri ng sasakyan ay dito lamang makikita sa Pilipinas! Kahit mayroon ng mas modernong uri ng mga sasakyan ngayon, ang mga jeepney ay patuloy pa rin ang serbisyo sa mga Pilipino.

Para naman matandaan ng mga pasahero, mayroong iba ibang pintura at disenyo ang bawat jeepney. Mula sa simpleng mga kulay, mga cartoon character, hanggang sa itsura ng mga tunay na tao, kahit ano pa man iyan ay kaya iyang idisenyo ng mga pinoy sa mga Jeepney.

Pero ang isang ito ay nagpamangha sa netizens dahil hindi lamang ito iba sa lahat sa panlabas na anyo kundi pati na rin ang sa loob nito.

Ang jeepney na ito ay pinost ng isang netizen na si Regine sa Facebook. Ayon sa post, napakalinis ng jeepney at amoy fabric softener pa ang loob nito.

Makikita naman sa litrato na ang upuan sa jeepney ay may disenyong bulaklak na nakaka-kalma naman talga kung titignan. Maging ang basurahan sa loob nito ang may nakapulupot din na telang bulaklak kagaya ng sa upuan. At mayroon pang maliit na TV na pwedeng-pwedeng magpasaya sa mga pasahero sa mahabang biyahe.

Marami talaga ang pumuri sa kakaibang jeep na ito at umabot na sa 75,000 ang mga nagreact sa naturang post!

Kakaiba nga naman talaga ang pagka malikhain ng mga pinoy! Ikaw? Proud ka rin ba sa iyong pagiging Pilipino?