Binasag ni Kim Chiu ang kanyang katahimikan tungkol sa bagong isyu laban sa kanya na kumakalat sa social media.
Tungkol ito sa kumakalat na video kung saan sinabing tumigil siya sa gitna ng isang highway sa EDSA at sumayaw ng “Bawal Lumabas” hit song.
Subalit ayon kay Chinita Princess, fake news ito at walang katotohanan.
Ito ang ilang parte ng kanyang sinabi sa kanya Facebook account.
…sa nagpapakalat ng fake news na sa edsa ako sumayaw, hello?!!! Okay ka lang??? Bakit ako sasayw sa gitna ng edsa. Takot ko lang…
Ito naman ang video na tinutukoy niya.
Kim Chiu sumayaw ng bawal Lumabas sa EDSA
Kim Chiu sumayaw ng bawal Lumabas sa gitna ng traffic
Posted by Dalagang Filipina on Tuesday, 2 June 2020
Sa unang part ng video, mapapanood na tila sa isang parking lot nga sila sumasayaw. Subalit sa ikalawang video na galing daw sa Instagram story ng isa ring celebrity, makikita na tila sa kalsada nga ito dahil makikita ang mga sasakyan na nakapila sa kanyang unahan.
Ayon pa sa kanyang post, sa parking lot daw ito nakunan ng “Tipsy Pig” at hindi sa gitna ng EDSA.
Narito ang buong pahayag ni Kim
New normal. @nopeetstore …Wearing @bawallumabas_merch 💗thank you for all the support classmates few stocks…
Posted by Kim Chiu on Tuesday, 2 June 2020
Iniimbestigahan naman ngayon ng MMDA ang naturang video at kung mapatunayan nila na ginawa nga ito ni Kim Chiu, siya ay ipapatawag para ipaliwanag naman ang kanyang sarili.