Lalaki gumawa sariling replica ng Noah’s Ark at nakakaakit ang ganda nito lalo na sa loob

Isa sa mga hindi malilimutang istorya sa bibliya ay ang istorya ni Noah at ang paggawa niya ng malaking bangka na siyang nagsalba sa kanyang pamilya at sa maraming uri ng mga hayop sa malaking bagyo na kumitil sa buhay ng maraming tao sa buong mundo.

Kung ang arko ni Noah ay nagawa dahil na rin sa tulong ng panginoon, ang isang lalaking ito ay sinubukang gumawa ng kanyang sariling arko na kasing-laki din ng ginawa ni Noah.

Imahe: Ark of Noah

Ang lalaking ito na mula sa Netherlands ay minsan na daw na nanaginip na siya ay nakatadhana na gumawa ng bagong bersyon ng Noah’s Ark. Simula noon, sinimulan na niya ang proyektong paggawa ng Arko sa loob ng maraming taon.

Imahe: Ark of Noah

Ngayon ay nabuo na ang arko at napakalaki at napakaganda nito. Ayon pa sa BuzzNick, ang eksaktong sukat ng Arko ay umaabot sa 410 feet ang haba, 95 feet ang lapad at ang bigat nito ay nasa 2,500 tonelada.

Imahe: Ark of Noah

Si Johan Huibers, ang lalaki sa likod ng napakalaking proyektong ito ay sinabing umaabot na sa $1.6 Million at marami na rin ang bumibisita rito dahil nang atraksyon na sa mga tao ang ginawang arko ni Johan.

Imahe: Ark of Noah

Dagdag pa dito, ang arko ay mayroong limang palapag na umaabot naman sa 75 feet ang taas ng iba rito. Mayroon ding media area kung saan ang mga bumibisita ay nagkakaroon ng pagkakataong mapag-alaman ang iba pang impormasyon ukol sa arko.

Imahe: Ark of Noah

Mayroon ding sariling restaurant ang loob ng arko. Sa kagustuhan na rin ni Johan na maging replica ng arko ni Noah ang ginawa niyang arko, gumawa pa siya ng mga animal carvings na naging display na rin sa loob nito.

Imahe: Ark of Noah

Mayroong mga elepante at buwaya na naka-carve sa loob nito.

Imahe: Ark of Noah

Pangarap din ni Johan na makapaglakbay sa buong mundo sakay sa kanyang arko. Umaasa siya na sa takdang panahon ay magagawa niya ito.

Imahe: Ark of Noah

Iba nga naman talaga ang talento ng mga tao kung magkakaroon lang tayo ng dedikasyon at pagpapahalaga dito. Si Johan ay patunay lamang na gaano man kalaki o ka imposible ang isang bagay, magagawan ito ng paraan kung may dedikasyon sa paggawa ang isang tao.