Lalaki maswerteng nakakita ng sandamakmak na pera sa ukay

“Kung sinuswerte ka nga naman,” ito na lamang marahil ang nasabi ng isang lalaking ito matapos niyang makakita ng maraming salapi sa isang bagay na hindi niya inaakalang magbibigay pala sa kanya ng swerte.

Si Wan Mohamad Adam Wan Mohamed, isang lalaking naglalayong makapagpatayo ng kanyang personal na negosyo sa Kampung Tualang Salak, Kelantan sa Malaysia ay tila pinaboran ng swerte matapos siyang makakuha ng malaking pera sa mga second-hand na damit na binili niya lamang sa isang warehouse.

Imahe: World of Buzz

Si Mohamed ay unang nagpatayo ng isang maliit na shop kung saan magbebenta siya ng mga second-hand na damit. Kaya naman, bumili siya ng mga bundle ng damit sa isang warehouse at dito na nga ay sinwerte siya sa isa sa mga bundle na ito.

Imahe: World of Buzz

Una ay bumili siya ng dalawang bundle sa halagang $24(Php 1,200) at agad na binuksan niya ito para e-arrange sa kanyang shop.

Habang ini-isa-isa niya ang mga damit ay may nakita siyang wallet. Ang ikinagulat pa niya ay puno ng pera ang nasabing wallet.

Imahe: World of Buzz

Ayon sa Buzzooks, nang bilangin niya kung magkaon ang laman ng nasabing wallet, umabot lang naman ito sa 450,000 yen o katumbas ng higit $4,150(Php207,000)! Sa sobrang kasiyahan ni Mohamed ay kinuhanan niya ng larawan at ini-upload sa Facebook ang kakaiba niyang nakuha sa mga second-hand na damit.

Imahe: World of Buzz

Ayon pa sa kanya, ang perang ito ay gagamitin niya sa pag-expand pa ng kanyang negosyo ng sa gayon ay magamit ang malaking halaga sa mabuting paraan.

Mahilig ka rin bang mamili ng mga damit sa mga thrift shop o second-hand stores? Butihing e-check ang bawat pitaka ng mga damit dahil malay mo, isa ka na sa susunod sa yapak at swerte ni Mohamed!