Mag-asawa naging milyonaryo sa kapital na 20 pesos sa Ice Candy

Sina Rodolfo De Leon Jr. at asawa nitong si Rosiell ay patunay na gamit ang dedikasyon at pagiging masipag, walang bagay sa mundo ang imposible. Ang mag-asawa ay isa na ngayong milyonaryo matapos mapalago nila ang kanilang negosyong ice candy na nagsimula lamang sa PHP 20 na puhunan. Paano nga ba nila ito nagawa?

Screencap from Youtube / Kapuso Mo Jessica Soho

Ayon kay Rodolfo, una sa lahat, ang hindi paggiging “materialistic” nila ng kanyang asawa ang susi sa kanilang tagumpay sa negosyo. Ika pa ni Rodolfo, “alam namin kung paano maging walang-wala sa buhay, kaya nagsumikap kami hindi lang para sa amin kundi pati na rin sa aming mga anak.”

Sa pagsasadula ng Jessica Soho, ipinahayag ng mag-asawa ang kanilang nakaraan at inilahad na maagang nabuntis si Rosiell habang nag-aaral sa kolehiyo ang dalawa.

Dahil dito, napilitang maghanap ng kung ano-anong trabaho si Rodolfo para maitaguyod ang kanyang pamilya. Sa simula, naging maayos ang pamumuhay ng mag-asawa. Sa katunayan, nakapundar na sila ng mga ari-arian at nagkaroon na rin ng kaunting savings.

Screencap from Youtube / Kapuso Mo Jessica Soho

Pero naglaho ang lahat ng nawalan ng trabaho si Rodolfo. Naghirap ang kanilang buong pamilya hanggang sa bente pesos nlg ang natira nilang pera. Imbes na mangutang, naisip ng mag-asawa na magsimula ulit gamit ang perang ito.

Dito na at nagsimula sila sa pagtitinda ng Ice Candy. Naging patok at lumago ang negosyo nilang ito hanggang sa nagkaroon na sila ng outlets kung saan nila binebenta ang Ice candy. Mayroong naglalako, mayroon din sa sari sari stores at pati na sa malapit na Elementary school.

Screencap from Youtube / Kapuso Mo Jessica Soho

Ngayon, ganap ng milyonaryo ang mag-asawa at kayang-kaya na nilang ibigay ang pangarap na maginhawang buhay para sa kanilang mga anak.

Ang mag-asawang Rodolfo at Rosiell ay patunay lamang na kahit gaano man kaliit ang puhunan sa isang negosyo, basta samahan ito ng sipag at tiyaga, siguradong magbubunga ito ng mabuti kinabukasan.

Panoorin ang istorya ng mag-asawa sa videong ito:

Featured image courtesy of Kapuso Mo Jessica Soho