Magkano nga ba ang kinikita ng isang vlogger na may 1 million subscribers sa Youtube?

Sa panahon ngayon, uso talaga ang pagkuha ng pictures o videos gamit lng ang ating cellphone. Dahil din dito, marami ang nahihilig sa “vlogging” o ang pag video sa sarili at pag share nito sa Youtube, Facebook, at iba pang social media sites. Bukod pa sa isa na itong uri ng hanapbuhay para sa iba, mayroon din namang ginagawa na lamang ito na hobby.

Pero, gaano nga ba kalaki ang kinikita ng isang vlogger? Lalo kapag ikaw ay mayroon ng mahigit ng isang milyong subscribers.

Isang Youtube vlogger o Youtuber na kilala ng kanyang mga followers na si Dogie ang nag-upload ng video at ibinahagi kung magkano nga ba ang kanyang kinikita simula ng magkaroon siya ng 1 million subscribers.

Ayon sa kanya, may dalawang uri ng application kung saan makikita ng isang vlogger kung magkaroon ang ‘estimated’ na kikitain niya sa isang buwan at kung magkano ang ‘actual’ na kinita niya.

Ang kinikita ng mga Youtube Vloggers ay Dollars ang gamit na currency at kino-convert lamang ito sa Peso. Sa kaso ni Akosi Dogie, kumikita sya ng mahigit kumulang $6400 hanggang $7000 kada buwan. Kung sa katumbas na Peso, ito ay aabot sa 300,000 o higit pa!

Malaking halaga na ito lalo na kung ikukumpara sa kinikita ng isang pobreng manggagawa dito sa Pilipinas.

Ayon pa sa kanya, malaki ang naitutulong ng patuloy na pag-uupload ng mga video para mas marami ang mapanood ng mga subscriber niya sa kanyang channel.

Ito na rin siguro ang naging rason ng iba sa pagpili sa vlogging bilang career nila dahil malaki naman talaga ang kinikita kahit sa pagvi-video lang.

Eh ikaw? Gusto mo na rin bang baguhin na lamang ang napili mong propesyon??

Panoorin ang buong video dito: