Mga nakakamanghang gamit na gawa sa kawayan

Kung ang niyog ang tinituring na “tree of life” dahil halos lahat ng bahagi nito ay nagagamit ng mga tao sa pang-araw-araw, hindi rin naman magpapahuli ang kawayan!

Bukod sa pagiging matibay nito kahit daanan man ng ilang bagyo, alam niyo ba na maraming uri ng kasangkapan sa bahay o paaralan man ang magagawa mula lamang sa kawayan?

Narito ang ilan sa mga kasangkapan na gawa mula sa kawayan:

1. Dining Table


Makikita sa litrato na gawa sa kawayan ang mesa at upuan at napaka-komportable rin nitong tignan. Magagamit ito para magtipon ang pamilya tuwing oras ng pagkain. Konting pintura nlg ang kulang at magiging elegante na itong tignan.

2. Kama


Para sa mas komportable at mas murang kama, dito ka na sa gawa sa kawayan! Mas mura na, tiyak pang walang pagkasira sa kalikasan dahil gawang natural ito hindi kagaya ng mga commercial na kama na ibinebenta sa merkado.

3. Divider


Uso sa mga tahanang pinoy ang pag display ng maliliit na figurines. Ang divider na ito na gawa sa kawayan ay tamang-tama lng para mag-organisa ng maliliit na gamit sa bahay.

4. Study Table


Madalas, kailangang magpuyat para sa exams, ang study table na ito na gawa sa kawayan ay tamang-tama para sayo!

5. Swing


Sino ang mag aakala na ang kawayan ay pwede rin palang gamitin para sa paggawa ng swing? Lahat ng batang 90s ay tiyak na masisiyahan sa kakaibang uri ng swing na ito.

6. Portable Kitchen with Cabinet

Image may contain: outdoor

7. Display Cabinet

Image may contain: outdoor

Talaga namang napakaraming pwedeng magawa gamit lang ang kawayan. Ang kailangan lamang ay sipag at pagkamalikhain para magawa ang mga bagay na ito.