Proud na girlfriend ibinahagi ang effort ng boyfriend para sa kanyang birthday

Maraming relationship goals talaga ang makikita natin sa social media. Kaya ang iba ay napapa “Sana all” na lamang sa nakakalulang post ng mga taong masaya sa kanilang buhay pag-ibig.

Kadalasan, ang mga post ay mga regalo ng magkasintahan sa isa’t-isa. Bihira lamang tayong nakakakita ng post na naglalahad ng istorya bago pa man humantong sa bigayan ng regalo.

Kaya naman minabuti ng Facebook user na si Jezyll Cabudbud na ibahagi sa lahat ang effort ng kanyang boyfriend para sa kanyang kaarawan.

Inilahad ni Jezyll na pinuntahan niya ang boyfriend sa sinasabi nitong raket daw para kamustahin. Ng makarating siya sa lugar, doon na niya dinatnan na nagtatrabaho sa construction ang nobyo.

Tinanong ni Jezyll ang nobyo kung bakit kaylangan niya pang magtrabaho hindi naman kaylangan kasi wala pa naman silang masyadong pinag gagastusan.

Sumagot naman ang lalaki, “para sayo para sa birthday mo, pinag iipunan ko kasi yon para kapag dumating yung araw nayon may maibigay manlang akong regalo sayo miski simple lang.”

Hindi na nakapagsalita si Jezyll at napagtanto na lamang niya na napakaswerte niya sa kanyang kasintahan. Ayon pa sa dalaga, kaunti na lamang ang mga lalaki sa mundo na tulad ng kanyang nobyo dahil marami na ngayon ang mas pinipili ang manloko.

Marami namang netizens ang kinilig sa istorya ng dalawa at wala ng masabi pa kundi “sana all” na lamang.

Ikaw? Ano ang masasabi mo sa trending na love story na ito? Isa ka rin ba sa mga nagsabi ng “sana all?” Share mo na gamit ang comment section sa ibaba.