Raffy Tulfo, tinulungan ang dating yaya, anak niya humirit pa ng alahas

Ang programa ni Raffy Tulfo ay marami ng natulungan na tao lalo na doon sa may mga problemang hindi na kayang masolusyunan ng mabuting usapan. Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang programa sa walang sawang pag resolba sa mga problema ng mga tao.

Ngayon, isa na namang kawang-gawa ang naituwid ng programa ni Tulfo – at ang makakatanggap nito ay walang iba kundi ang dating tagapag-alaga o yaya niya mismo at ng kanyang mga kapatid.

Sa isang video na makikita sa youtube channel ni Raffy Tulfo, una niyang pinakilala sa mga tao sa studio si Nanay Rosa. Nakangiti pa ang matanda habang inaalala ang mga masasayang araw niya kasama ang pamilya ni Tulfo.

Bilang pagpapasalamat kay Nanay Rosa sa pag-aaruga niya sa kanila noon, binigyan siya nito ng libre na pang spa, damit at marami pang iba. Pumunta pa ang staff ng Raffy Tulfo in action sa bahay ni Nanay Rosa sa Leyte upang kamustahin ang matanda.

Sa kanilang pagpunta, nadiskubre na sa danger zone pala nakatira ang pamilya ni nanay Rosa. Dahil dito, humanap ang team ni Raffy Tulfo ng apartment na pwede nila upahan.

Habang nag-uusap, humirit naman ang anak ni Nanay Rosa na gusto daw ng matanda na magkaroon ng mga alahas! Mula sa kwintas, singsing, relo at iba pa, ang importante daw ay tunay na ginto ang mga ito! Napatawa na lamang si Tulfo sa hirit na ito ng anak ni Nanay Rosa.

Sa kabutihang palad, maayos na nakalipat ang buong pamilya sa bago nilang bahay at abot langit naman ang pasasalamat ni Nanay Rosa sa malaking bagay na naitulong ni Raffy Tulfo sa kanya at sa kanyang pamilya.

Panoorin ang buong video rito: