Sa halip na ticket, $100 ang ibinigay ng pulis sa working student matapos ito ma sita dahil sa violation

Ang mga pulis ay mga taong nagpapatupad ng batas at nagbibigay parusa sa mga lumalabag dito. Ngunit, huwag sana nating kalimutan na sila ay mga tao rin na mayroong malambot na puso lalo na kung para sa mga taong nangangailangan ng tulong.

Ito ang dahilan kung kaya ang isang pulis na ito ay umaani ngayon ng papuri sa social media dahil sa kabutihang loob na kanyang pinakita nang kanyang tulungan ang isang estudyanteng nagtatrabaho bilang part-time deliveryman.

Imahe: Pilipinas Trending Viral/Facebook

Ayon sa post ng Facebook page na Pilipinas Trending Viral, ang deliveryman  na si Joshua Basa ay pinarahan na pulis dahil sa kanyang violations, nagkausap silang dalawa at dito na nga nalaman ng pulis ang mahirap na sitwasyon ni Basa at mistulang naawa ito sa kanya.

Imahe: Pilipinas Trending Viral/Facebook

Kaya naman, imbes na violation ticket ang ibigay niya rito ay pinili niyang bigyan ito ng $100 o mahigit PHP 5,000! Labis na ikinatuwa ni Basa ang ginawang ito ng pulis kaya naman ibinahagi niya ang magandang nangyari sa kanya sa social media.

Imahe: Pilipinas Trending Viral/Facebook

Dahil dito, marami ang natuwa sa ginawa ng pulis at pinuri siya ng mga ito. Bunga na rin ng pagiging viral ng istoryang ito ni Basa, hindi na rin nakatakas sa netizens ang pagkaka-kilanlan ng pulis. Siya pala ay si Police Officer SirJon Tibay Nacino.

Imahe: Pilipinas Trending Viral/Facebook

Ang ginawa ni nacino ay isa lamang sa maraming mga bagay na nagbibigay sa atin ng pag-asa sa kabila ng mahirap na pagsubok na ating kinakaharap sa ngayon. Kaya naman, nararapat lamang na kilalanin ang mga tulad niya at bigyang pansin ang kabutihan nilang ginagawa.

Umaasa kami na marami pang tao ang gaya ni Nacino na bukal sa loob ang pagtulong sa kanilang kapwa, lalo na ang kagaya ng deliveryman na ito na hangad lamang ay makatulong sa kayang pamilya kahit sa maliit na paraan sa gitna ng pandemyang ating kinakaharap.