Syrian vlogger pinakyaw ang paninda ng 82-year-old Balut vendor

Ang balut ay isa sa paboritong pagkain ng mga pinoy. Kaya naman marami ang nagbebenta nito at kadalasan sila ay makikita sa mga mataong mugar. Isa sa mga naglalako ng Balut ang 82-year-old na si Lolo Fernando.

Lingid sa kaalaman ni Lolo Fernando, isang surpresa ang inihanda para sa kanya ng isang sikat na Youtuber na si Hungry Syrian Wanderer. Dahil sa marami ng natulungan ang naturang Youtuber, isand netizen ang humingi ng tulong niya para kay Lolo Fernando.

Si Lolo Fernando ay residente ng Biñan, Laguna at kahit matanda na ay patuloy parin siyang naghahanapbuhay para sa pamilya. Dagdag pa sa hirap ni Lolo Fernando na isa sa kanyang mata ay hindi na nakakakita at ang kabila naman ay blurry na. Umaasa na lamang siya sa pagiging tapat ng mga bumibili sa kanya lalo na sa bayad ng mga ito.

Dahil sa nakaka-awang sitwasyon ni lolo ay pinakyaw ng Youtuber lahat ng paninda. Sobra pa ang binayad nito para makatulong kay lolo. Sa huli, inihatid pa nito si Lolo sa kanyang bahay para masigurado na safe itong makakauwi.

Labis naman ang saya ni Lolo Fernando sa hindi inaasahang tulong mula sa isang estranghero. Nagpapasalamat siya na kahit sa kaunting tulong ay naibsan ang kanyang mga problema.

Marami ang naantig sa ginawang ito ng Youtuber at pinuri siya sa social media. Gayunpaman, sana ay marami pang katulad ang Youtuber na ito ng sa gayon ang marami pang katulad ni Lolo Fernando ang matulungan at kahit papaano ay maibsan ang hirap na kanilang dinadanas.

Mapapanood ang full video dito: